Kapahayagan ng Pananampalataya

Seksyon 1

Sumasampalataya kami na ang Bibliya ay Salita ng Diyos, na ito ay isinulat ng mga tao sa pamamagitan ng banal at walang katumbas na pagkasi ng Diyos, na ito ay lubos na mapagkakatiwalaan at may pinakamataas na kapangyarihan sa lahat ng mga bagay ukol sa pananampalataya at pag-uugali ng tao.


Seksyon 2

Sumasampalaya kami sa iisang Diyos na may tatlong persona, Ama, Anak, at Espiritu (Mateo 28:19)


Seksyon 3

Sumasampalataya kami sa Diyos Ama, na lumalang ng langit at lupa, sakdal sa kabanalan, di-malirip sa kaalaman, walang hanggan sa kapangyarihan. Nagagalak kami na Siya ay tumutugon sa panalangin at Siya rin ang nagliligtas mula sa kasalanan at kamatayan sa lahat ng sa Kaniya ay lumalapit sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.


Seksyon 4

Sumasampalataya kami kay Jesu-Cristo, na Siya lamang ang Bugtong na Anak ng Diyos, na walang kasalanan sa Kanyang buhay, ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, na ipinanganak ni birheng Maria, na Siyang pampalubag-loob sa kasalanan ng sanglibutan sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus. Sumasampalataya kami sa Kanyang pagkabuhay na mag-uli, sa Kanyang pag-akyat sa langit, sa Kanyang gawaing pagkamataas na Saserdote na Tagapamagitan ng Kanyang bayan, at sa Kanyang personal at hayagang pagbalik sa sanlibutan ayon sa Kanyang pangako.


Seksyon 5

Sumasampalataya kami sa Banal na Espiritu, na nagmulasa Diyos upang sumbatan ang sanlibutan tungkol sa kasalanan, katuwiran at paghatol. Siya rin ang nagbibigay ng kapanganakang muli, kabanalan at kaaliwan sa mga sumasampalataya kay Jesu-Cristo.


Seksyon 6

Sumasampalataya kami na ang tao ayon sa kanyang likas at malayang pagpili ay makasalanan, datapuwa’t “Gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlinbutan kaya ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sa Kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Ang sumampalataya ay maliligtas at makakasama ng Diyos, nguni’t ang tumatanggi sa Anak ng Diyos ay mahihiwalay at parurusahan magpakailanman.


Seksyon 7

Sumasampalataya kami sa dalawang kahulugan ng Iglesia sa Bagong Tipan. Una, ito’y tumutukoy sa lahat ng mga taong ipinanganak na muli. Ito ang tinatawag na pangkalahatang Iglesia, na siyang katawan ni Cristo. Pangalawa, ito’y tumutukoy sa samahan ng mananampalataya sa isang dako na binautismuhan, nangaral at handang sumunod sa Panginoon hanggang Siya’y dumating

Seksyon 8

Sumasampalataya kami na ang bawat tao ay may pananagutan sa Diyos sa lahat ng nauukol sa pananampalataya.


Seksyon 9

Sumasampalataya kami na ang bawat Iglesia ay may sariling pamahalaan.


Our Statement of Faith

An English Translation of our Statement of Faith

Section 1

We believe that the Bible is the Word of God, that it was written by men through the divine and unparalleled inspiration of God, that it is completely trustworthy, and has the highest authority in all matters of faith and human conduct.


Section 2

We believe in one God in three persons: Father, Son, and Holy Spirit (Matthew 28:19).


Section 3

We believe in God the Father, the Creator of heaven and earth, perfect in holiness, unfathomable in wisdom, and infinite in power. We rejoice that He responds to prayer and saves from sin and death all who come to Him through Jesus Christ.


Section 4

We believe in Jesus Christ, the only begotten Son of God, sinless in His life, conceived by the Holy Spirit, born of the virgin Mary, the propitiation for the sin of the world through His death on the cross. We believe in His resurrection, His ascension to heaven, His work as the High Priest and Mediator for His people, and His personal and visible return to the world as promised.


Section 5

We believe in the Holy Spirit, who proceeds from God to convict the world concerning sin, righteousness, and judgment. He also grants new birth, holiness, and comfort to those who believe in Jesus Christ.


Section 6

We believe that man, by his nature and free choice, is sinful. However, "For God so loved the world that He gave His only begotten Son, that whoever believes in Him should not perish but have everlasting life." Those who believe will be saved and united with God, but those who reject the Son of God will be separated and punished forever.


Section 7

We believe in two meanings of the Church in the New Testament. First, it refers to all people who are born again. This is called the universal Church, which is the body of Christ. Second, it refers to the assembly of believers in one place who have been baptized, preached, and are ready to follow the Lord until He comes.


Section 8

We believe that each person is accountable to God in all matters of faith.


Section 9

We believe that each Church has its own government.